Magnanakaw? Aicelle Santos may Parinig matapos magbayad ng tax niya: “Wag kayong boboto ng magnanakaw o may history ng pagnanakaw!”


Ibinahagi ng singer na si Aicelle Santos na nagbayad na siya ng kanyang buwis.

Pero tila hindi napigilan ni Aicelle na maglabas ng sama ng loob dahil sa tila ninanakaw lamang daw ang ibinabayad niyang buwis.

Kaya sa tweet niya, hinimok ng singer ang mga botante na huwag ng bumoto ng “magnanakaw” o kandidato na mula sa pamilya na may “history” ng pagnanakaw sa kaban ng bayan.
Advertisement
“Kakabayad lang ulit ng tax. Haaay sana nararamdaman natin ang buwis na binabayad! Eh binubulsa lang naman nila! Kaya next year PLS LANG, WAG boboto ng magnanakaw o may history sa pamilya ng magnanakaw dahil lilimasin lang nila ang natitirang lakas at pinaghihirapan ng Pilipino!” sabi ni Aicelle sa kanyang tweet.


Advertisement
Hindi naman pinangalanan ni Aicelle ang pinapatamaan niya ngunit maraming netizen parin ang nagalit sa singer kasama na dito ang mga tagasuporta ni presidential aspirant at dating senador Bongbong Marcos.

Kontrobersiyal ang pamilya Marcos dahil diumano sa mga ginawa nitong katiwalian ilang dekada na ang nakakaraan.

Advertisement
Nagdagdag naman siya ng mensahe sa kanyang post at itinanggi niya na may ineendorso siyang kandidato.

Hamon naman niya sa mga netizen, i-unfollow na lamang siya.
Advertisement
“Nakakatawa! Ang daming nagreact! Guys, i’m not endorsing anyone. I don’t have my final candidates yet, FYI! But this has been a general personal sentinent for several years now. Nagra-rant tayo dahil may karapatan tayong magsalita. Now if you do not like my post, you’re very welcome to unfollow!” sabi ng singer.

Sa ngayon ay umabot na sa libo libong komento at reaksyon ang nasabing post.
video

Sponsor
So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don't forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.


Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of PINOYREADERSPH. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. No part of this article maybe reproduced without permission from this website.

Magnanakaw? Aicelle Santos may Parinig matapos magbayad ng tax niya: “Wag kayong boboto ng magnanakaw o may history ng pagnanakaw!” Magnanakaw? Aicelle Santos may Parinig matapos magbayad ng tax niya: “Wag kayong boboto ng magnanakaw o may history ng pagnanakaw!” Reviewed by megan on 00:30 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.